PoolTogether🌊🏆 x Philippines
PoolTogether x Philippines, Campaigns, Facebook Group, Facebook Page and More...
PoolTogether sa Ibat-ibang bahagi ng Mundo…
Ang PoolTogether ay isa sa mga pinaka madaling gamitin na Protocol sa mundo ng crypto, kaya marapat lamang na mapakilala ito sa Ibat-ibang bahagi ng mundo sa kasalukuyan ang PoolTogether ay kilala at nagagamit na simula pa nuong 2019 sa mga bansang gaya ng Amerika, Espanya, Canada, Germany, Argentina, Brazil, at iba pang bansa sa Ibat-ibang bahagi ng mundo. Ang PoolTogether Marketing Team ay napagkasunduan na pasukin na din ang mga bansa na matatagpuan sa Asia isa na nga dito ang Pilipinas.
PoolTogether-PH Facebook Page…
Bilang bahagi ng kampanya ang PoolTogether ay gumawa ng Facebook page na may pangalang PoolTogether-PH, ito ang magiging pangunahing pahina na magbibigay ng mga tamang hakbang kung paano magamit ang PoolTogether at magbibigay na din ng maliwag at detalyadong hakbang sa mga Pilipino na miyembro at nais na maging miyembro ng pahinang ito madaming mga giveaway at iba pang event ang plano para sa pahinang ito kung nais mong sumali ay iclick lang ang link na ito PoolTogether-PH,
PoolTogether-PH Facebook Group…
Isa pang bahagi ng planong ito ay ang pagkakaroon ng Facebook Group dito naman sa loob nang grupong ito maaring magkaroon ng Interaksyon ang bawat Pilipinong Miyembro ng Komonidad upang pag usapan ang mga impormasyon patungkol sa PoolTogether o mga ibat-ibang bagay, kaganapan at mga pagbabago sa mundo ng crypto, isa din sa misyon ng PoolTogether-PH Group ay ang mabigyan ng lehitimo o tamang paraan ang bawat miyembro nito na nais sumubok at baybayin pa ang mundo ng crypto. Kilala ang Pilipinas sa mundo ng crypto bilang komunidad nang mga manlalaro isang patunay na nga dito ay ang napakalaking bahagi ng manlalaro ng Axie ay mga Pilipino, maliban sa gaming ang dalawa pang madalas na ginagawa o mahilig pagtuunan ng pansin ng mga Pilipino ay ang Trading, at ang NFTs. Kung bago lamang saiyo ang mga terminong ito at gusto mo pa malaman ang mga tungkol dito sumali sa ating facebook group dito PoolTogether-PH Group.
PoolTogether para sa lahat…
Paalala lahat ng sumusunod mong mababasa ay hindi advice pang-pinansiyal, una kong nakita ang PoolTogether nuong Nob. 2021 at hanggang sa ngayon ay ginagamit ko pa din ito, nung una ko itong makita nagbasa nagtanong-tanong agad ako tungkol dito at agad kong nagustuhan ang sistemang ginagamit nito, madalas kong nakikita na mga aktibidad ng mga Pilipino sa web3 space ay Gaming, Trading, at mga NFT’s, isa din akong gamer kaya lang hindi ko na kayang pagsabayin ang mga larong ito dahil sa oras na kailangan igugol dito, nakita ko ang PoolTogether bilang substitute sa nakasanayan kong bangko dahil dito ay maari akong makakuha ng tubo na halo 9%-10% APY kumpara sa mga nakasanayan nating bangko, hindi ako nagkamali at hanggang sa ngaun ay patuloy ko itong ginagamit.