PoolTogether Community Newsletter #1 🌊🏆
paano mag deposit gamit ang metamask, $POOL use case sa Polygon at iba pa.
Hi Poolers,
Madami pagbabago at pangyayari ang naganap sa PoolTogether simula ng una ito lumabas, ang sumusunod ay ilan sa mga ito:
1. Nakamit ng PoolTogether ang isa sa malaking milestones nang makapag bigay kauna unahang $1million na premyo sa loob ng isang linggo.
2. Isang solo prize winner na nagkakahalaga ng $1million ang na award sa sOHM Pool.
3. Bagong Version PoolTogether V4 ay nagsimula na!
Paano mag deposit sa PoolTogether V4 gamit ang Metamask:
Mga Kailangan:
Metamask browser extention o smartphone app.
USDC in Megamask Wallet
$ETH or $MATIC para sa gas fee
may mga faucets kung saan maari kang makakuha ng mga token na ito ng libre ito ay mababang halaga lamang na maari gamitin para sa unang transaction sa Polygon para makakuha ng $MATIC maaring subukan dito sa mga sumusunod matic.supply, macncheese.finance.
Dahil sa mga issue ng mataas na halaga ng gas fee sa ETH network ang PoolTogether ay humanap ng solusyon kung saan maaring magdeposit at mag withdraw ng hindi gaanong inaalala ang gas fee ito ay ang pag gamit ng Polygon Network.
Paraan upang Magdeposit:
1. Ang unang step ay I-connect ang wallet siguraduhin nasa tamang chain o network.
2. Sa ganitong senaryo piliin ang metamask kung metamask ang iyong gamit na crypto wallet, ang ibang nasa listahan ay ibang opsyon na maaring gamitin para magdeposito.
konektado na ngayon ang iyong wallet, makikita din ang network na kasalukuyang gamit at ang mga unang digits ng iyong wallet address sa itaas bandang kanan ng larawan sa ibaba.
3. Ilagay ang halaga ng USDC na nais mong ideposito, at i-click ang Review Deposit. Tandaan ang minimum na maaring i-deposito ay 4 USDC.
4. Isang pop up ang magbubukas at hihingin ang iyong approval para sa transaksyon, gawin ito at i-click ang Confirm Approval. Makikita din dito sa halimbawa na nagkakahalaga ng 0.0026 $MATIC ang transaksiyon (centavos lamang ang halaga sa peso)
halimbawa ng notipikasyon sa Metamask. I-click din ang Approve.
5. I-click lamang muli ang Confirm Deposit,
I-Approve lamang muli ang transaksiyon sa Metamask upang tuluyang maideposito ang iyong USDC.
6. Congratulations, isa ka ng ganap na Pooler! 🎉 Ang iyong deposito ay Maari na ngaung manalo sa ng premyo araw-araw, maari mo din itong ma-withdraw ano mang oras.
Troubleshooting:
Transaction Failed
*siguraduhin na mayroong tamang amount ng $MATIC na kakailanganin para sa gas fee 0.05 $MATIC ay sapat na
*maaring manual na i-taas ng bahagya ang gas price sa metamask (hindi ang gas limit).
*pumunta sa Metamask Settings > i-click ang Advance> Reset Account.
Mayroon ka bang $POOL Token na hindi ginagamit sa Polygon?
Mayroong Dalawang Option para dito.
1. I-Deposit ito sa Community pool para sa Polygon. Makikita dito community.pooltogether.com. Mayroon itong premyo na 50 $POOL kada Linggo na pinaghahatian ng 30 Depositor ng $POOL 🐟🐟🐟.
2. Kumita ng Liquidity Provider Rewards sa Sushiswap o Quickswap. Rewards ay para sa $POOL-$WETH Liquidity Pools, Siguraduhin lamang na mayroong sapat na kaalaman sa kung paano gamitin ito at sa mga risk na maaring kaharapin ng isang Liquidity provider, gaya ng impermanent loss at iba pa.
Nais mo bang makita ang iyong mga POOL asset sa Zapper?
Ipaalam sa kanila! May mga ilan ng request sa canny. Tumulong i-upvote at comment para matulungan sa Zapper fully POOLed.
Alamin nang Higit pa ang PoolTogether🌊🏆.
Ipakita ang kaalaman sa Gitcoin Quest:
Kung nagustuhan mo ang content na ito please Subscribe for Updates, Info about PoolTogether🌊🏆.
Thank You PT