From PoolTogether🌊🏆 to Axie Infinity
PoolTogether Community Interview #1: AndyKaufman, PT Governance
Welcome to the latest PoolTogether Community Interview!
Ngayon ay mayroon kaming panayam sa isa sa mga pinaka-aktibong miyembro ng PT Community - AndyKaufman. Malalaman din natin ang tungkol sa kanyang involvement sa Axie Infinity.
Magkwento ka sa amin tungkol sa iyong sarili. Ilarawan ang iyong sarili:
Isa akong entrepreneur kahit nuong akoy teen-ager pa lamang, ibat-iba ang aking naging experience kabilang na nga dito ang ilang tagumpay mga pagkabigo. Ang PoolTogether ay isang proyekto na nakita ko nang hindi inaasahang pagkakataon at nang makita ko ito ay lubos akong naenganyo sa komonidad ang pagnanais na umunlad nang sama-sama ang nagpapanatili sa akin!
Kailan ka nagsimula sa Crypto?
Una kong nagsimula sa crypto nuong unang bahagi ng 2017 nang malaman ang tungkol sa Ethereum mula sa isang kaibigan. Hindi ko inaasahan na ito pala ay isang mahabang byahe at na maraming dapat alamin at matutunan.
Maari mo bang sabihin sa amin ang tungkol sa mga pangunahing aral na natutunan mo mula noon?
Magkaroon muna ng diskarte sa paglabas para sa bawat token, kahit na ito ay napakaluwag at may maliit na target na halaga (10%, 25% atbp). Hindi mo ine-expect na magiging mas malaki ang $27 na isang meme token, ang masama ay kapag hindi ka nagbenta at bumalik ito sa normal!. Higit sa lahat huwag lamang mag focus sa mga kita at token, matuto mula sa iba at bumuo ng matibay na pagkakaibigan. Lubos kong pinahahalagahan ang mga karanasan at pananaw sa buhay na ibinigay sa akin ng mga kaibigan sa mundong ito.
Ano ang maituturing mong “best moment’’ sa iyong crypto journey?
Nang una kong ma-onboard ang aking iskolar sa Axie Infinity. Nuong una ang taong ito ay isang malaking abala sa akin lalo na napakadaming bagay ang gusto ko pang alamin patungkol sa crypto nariyan pa ang hadlang sa wika dagdag na suliranin upang ipaliwanag ang bagay. Nanatili akong matiyaga ngunit mula noon ay lihim silang naging isa sa aking mga paboritong iskolar dahil sa kanilang personalidad, ambisyon at kagandahang-loob . Ang paggawa ng direktang epekto sa buhay ng mga tao sa pamamagitan ng paglalaro ng video game ay napakalaking tagumay para sa akin.
Sabihin sa amin nang higit pa ang tungkol sa kung paano ka napasok sa Axie Infinity, at kung bakit ka naging malalim ang iyong ugnayan sa mga iskolar:
Nakakatuwang maisip na, nakapasok talaga ako sa Axie Infinity sa pamamagitan ng PoolTogether sa nakakatuwang paraan! Nagba-browse lang ako sa ilang matataas na deposito na wallet sa V3 (dahil ang lahat ay nasa chain at pampubliko) mga isang taon + ilang buwan na ang nakalipas. Ang iniisip ko ay:
"Kung mayroon silang $1m+ na-deposito sa PT, ano pa ang kanilang mga ginagawa sa crypto world"?
Sa mataas na depositong wallet na ito ay isang ERC-20 token na tinatawag na "Smooth Love Potion". Nakuha nito ang aking interes at iyon ay kung paano ko natagpuan ang Axie Infinity! Nakita ko ang potensyal para sa isang dekalidad na larong Play to Earn (P2E) na may kasalukuyang sumusunod at passive na kita. Gumamit ako ng mga pondo mula sa isang airdrop noong panahong iyon upang bumili ng ilang mga koponan upang subukan ang programa ng scholar.
Nagsimula ako sa mga 3 koponan, pagkatapos ay 6,9 at iba pa. Sa una ito ay isang medyo simple at madaling bagay na pamahalaan. Mura ang mga Axies, marami ang mga reward at walang gaanong kompetisyon sa PVP. Habang nagbabago ang mga reward sa Axie na may 50% SLP na pagbawas sa Adventure (PVE), ang PVP ay nagiging mas mapagkumpitensya, nagbibigay-mas kaunting kasiyahan at mga pagbabago sa meta ng team na patuloy na nagiging mas komplikado.
Ang mas maraming iskolar ay nangangahulugan ng higit na suporta sa akin, komunikasyon, pagsasaayos ng mga roster ng koponan, pag-breed, pag-iingat ng rekord at marami pa! “I found being a scholarship manager is very rewarding” hindi lang passive income. Maraming gawaing kinakailangan mula sa aking sarili at sa mga dedikadong iskolar na ginagawang itong posible. Salamat sa mga loyal scholars ng Andys Axie Co. 🙂
May mga nakikita ka bang mga bagong proyektong may potential sa crpyto space?
Masyadong marami. Iyon ay maaaring maging isang magandang bagay ngunit nakikita ko ang napakaraming bagong P2E na larong lumalabas kaya talagang mahirap na masubaybayan at magsaliksik nang naaangkop. Ang isa sa partikular na kinabibilangan ko at binabantayang mabuti ay tinatawag na Atlantis World. Nakatuon ito sa isang rogue na tulad ng uri ng mga quest para sa mga reward na ginagamit para palamutihan ang iyong kastilyo nang mapagkumpitensya para sa mga token at pambihirang premyo. May mabigat na pagtutok sa mga aspetong panlipunan.
At ang iyong pinakamalaking pagkabigo sa crypto world?
Ang hindi pagbebenta ng meme token! medyo magbabago na sana ang kita ko kung naibenta ko ito bago bumagsak! Naisip ko "isa pang 25% pump at benta na ako" Bonfire ang pangalan... Literal na ito ang unang meme token na nagtapon ako ng pera sa BSC. $27 ang ang tinalpak ko nung unang oras na ma list ito sa Binance. Kumuha ako ng ilang karapat-dapat na kita ngunit hindi sapat. Advice ko na kung nire-refresh mo ang iyong portfolio at walang tigil ang pagbaba ng presyo, oras na para magbenta.
Paano mo nalaman ang tungkol sa PoolTogether?
Una kong nabasa ang tungkol dito ng napaka siksik na kaalaman sa pang-araw-araw na talakayan ng r/ethfinance. Ang konsepto ay may katuturan at napakaganda at ito ay isang tunay na halimbawa sa mundo kung paano maaari makatulong ang DeFi sa problemang financial ng totoong mundo gamit ang sistemang ito nga PoolTogether.
Paano ka nakasali sa komunidad? Sabihin sa amin ang tungkol dito.
Isa mga pagsubok sa mundo ng crypto ay kung paano i-onboard ang sinumang may banayad na interes sa DeFi o hindi pa nasubukang gumagamit ng PoolTogether. Nasisiyahan akong tumulong sa pag onboard ng mga Tao sa mundong ito. Kamakailan ay hindi ako naging aktibo ngunit ang channel ng ulat na may kinalaman sa scam ay pinagtuunan kong bigyan ng higit na pansin!
Ang pamamahala sa komonidad ay kung saan ako pinakaaktibo sa simula ngunit kamakailan lamang ang ilan sa mga panukala ay wala sa aking kadalubhasaan. Naglingkod din ako sa komite ng PoolGrants bilang isang tagasuri ngunit kamakailan ay bumaba sa puwesto upang bigyan ang isang bagong hanay ng mga miyembro ng komunidad ng pagkakataong mag-ambag.
Paano ka napabilang sa PoolTogether Governance?
Noong una akong sumali, nagkaroon ng minor friction dahilan para bumoto ang mga user gamit ang POOL sa chain, nagkakaroon ng problema dahil sa gas fees. Dahil nasasabik akong makapunta doon sa paglikha ng isang DAO, nag-alok akong magbayad ng kalahati ng mga bayarin sa gas para sa mga tao na italaga ang kanilang mga token sa ANUMANG delegado, hindi ako humingi ng mga delegasyon sa akin!
Gusto ko lang mapasimulan ito. Bahagya akong napabilang sa ilang mga boto at talakayan ngunit isa sa mga pinakaaktibong tungkulin ay sa PTIP-8. May magandang ideya si Gabor para maging bahagi ng karanasan sa PT ang mga NFT at tumulong akong isulong ang ideya. Habang ang mga bagay ay naging mas teknikal sa mga PTIP at mga talakayan maaaring hindi ako tumugon nang direkta ngunit sinisiguro ko sa iyo na ako ay nagaaral, nagbabasa at natututo kapag kaya ko!
Ano ang ginawa mo doon at ano ang iyong mga pinakamalaking tagumpay o mga bagay sa pagbabalik-tanaw na pinaka ipinagmamalaki mo?
Ang pinaka-kapana-panabik na bagay para sa akin ay noong nagpasya si "JD" na italaga sa akin ang kanilang mga boto sa $POOL noong panahong iyon! Bago pa lang ako pero tinanggap agad. Ang PTIP-8 bagama't mayroon itong mga kapintasan ay talagang isang kapana-panabik na proyektong sasalihan at gawin!
Irerekomenda mo ba ang PoolTogether sa iba? Paano mo ito ilalarawan sa kanila?
Hindi ko lang minasang ginagamit ang PoolTogether madalas ko itong ginagamit! Inilalarawan ko ito bilang isang prize savings account na katulad ng mga premium na bonds sa UK. Makakatipid ka ng pera na may pagkakataong manalo ng higit pa at hindi tulad ng mga tradisyonal na lottery 😉 hindi mo mawawala ang iyong deposito.