Isa sa 13,983,816 ito ang tyansa na manalo ang isang mananaya sa lotto na pinapamahalaan Philippine Charity sweepstakes mas malaki pa ang tyansa na tamaan ng kidlat ang isang tao, ganoon din ang eksena sa ibang bansa halimbawa nalang sa U.S meron lamang isang tyansa sa 292,000,000 na manalo sa kanilang Powerball Jackpot. Pero paano naman kaya kung ang pera na plano mong gastusin sa lotto ticket ay ipunin na lamang sa isang savings account? at pati na din sa iba pang tao na gusto ding tumaya sa lotto? sigurado kikita ito ng malaking interes hindi ba? at ang interes na ito ay gawin na lamang premyo para sa lahat ng depositor sa savings account na ito, lahat ay may tyansa na manalo hindi ba mas mainam ito? dahil lahat ng na-ideposito mong pera ay maari mo pang ma withdraw ano mang oras, ito ang ideya na ginagamit hanggang sa kasalukuyan ng PoolTogether tinawag itong โNo-Loss Lotteryโ
โMas naging posible ang ideya na ito sa mundo ng crypto gamit ang blockchain technology at oo sa mundo ng crypto nag ooperate ang PoolTogether, nasa $7,180 ang papremyong naipapamahagi ng PoolTogether sa kanyang mga depositor araw-araw at nasa $82,886 kada linggo. Ang pinaka maswerteng nanalo sa PoolTogether na naitala ay meron depositong $73 ang kanyang napanalunan ay $11,115, nito lamang huling buwan ay meron nanaman naitalang bagong record nang nanalo ang deposito niya ay $49 at nanalo ito ng $1,000โ.
Mga Odds para Manalo:
Ang tyansa ng isang depositor para manalo ay nakabase sa kanyang deposito, USDC stable coin ang kailangan na ideposito sa PoolTogether V4 upang makasali, sa ganitong paraan naiiwasan ang โโImpermanent Lossโโ ganito ang senaryo 1USDC=1TICKET ang isang depositor na mas madaming ticket ay mayroong mas malaking tyansa na manalo ng premyo araw-araw, maaring maisip mo makakalamang ang whale dito pero Hindi!!! dahil ang isang wallet address ay maari lamang manalo ng dalawang beses sa loob ng isang linggo.
Paano Mag Claim ng Panalo:
mayroong 24 na oras na cool down period bago mo masuri ang iyong mga premyo at kunin ang iyong mga napanalunan. Tinitiyak ng panahong ito na nangyari nang tama ang cross-chain na komunikasyon.
Kapag nakumpleto na ang 24 na oras na cool down period, maaari mong suriin at kunin ang iyong mga panalo.
Ang iyong mga panalo ay kine-claim sa PoolTogether ticket! Nangangahulugan ito na kapag na-claim mo ang mga ito, awtomatiko silang idinagdag sa iyong idinepositong balanse. Kapag nag-withdraw ka, matatanggap mo ang pinagbabatayan ng USDC.
Mga Audit na isinasagawa upang mapanatili ang seguridad ng PoolTogether:
PoolTogether V3 (2020-10-21):https://blog.openzeppelin.com/pooltogether-v3-audit/
LootBox and Prize Strategy (Nov 2020):https://consensys.net/diligence/audits/2020/11/pooltogether-lootbox-and-multiplewinners-strategy/
PoolTogether Governance (Feb 2021):https://consensys.net/diligence/audits/2021/02/pooltogether/
Pods V3 (March 2021)https://consensys.net/diligence/audits/2021/03/pooltogether-pods/
Sushi & Yearn V2 Yield Sources (May 2021):https://consensys.net/diligence/audits/2021/05/pooltogether-sushi-and-yearn-v2-yield-sources/
PoolTogether V3.4 (2021-09-16)https://code4rena.com/reports/2021-06-pooltogether
Swappable Yield Source (2021-09-15):https://code4rena.com/reports/2021-07-pooltogether/
PoolTogether V4 (2021-11-05)https://code4rena.com/reports/2021-10-pooltogether
TwabRewards (2022-02-03):https://code4rena.com/reports/2021-12-pooltogether/
Ang pinaka latest na version ay PoolTogether 4.0 supportado nito ang Polygon Chain isang layer sa Ethereum Blockchain ito ang solusyon na ginamit ng PoolTogether sa problemang ng Gas-Fee sa mundo ng crypto, mababa ito nang malayo kung ikukumpara sa Eth Mainnet upang lahat din ng nagbabalak na magdeposito ay makasali ng hindi na kailangan isaalang alang ang dagdag na gastos. Ang bagong V4 protocol ay may kakayahang ipamahagi ang mga fixed return sa mas mahusay na paraan kasama ang "TWAB Rewards Contract", ang TWAB ay kumakatawan sa "time weighted average balance" isang mekanismo para sa pamamahagi ng fixed return para sa lahat ng depositor batay sa kanilang average na balanse sa loob ng isang yugto ng panahon, Ito ay isang simple at napakalakas na primitivo.
Kung hindi mo pa nagamit ang Polygon network
kakailanganing Idagdag ang Polygon Network sa Metamask
pumunta sa cutom RPC.
idagdag ang mga sumusunod
Kung nais mong magcontribute o nais malaman pa ang ibang detalye dito o nais na makasali sa Komonidad ng PoolTogether maaring bumisita sa ating Facebook Page at mag-subscribe sa PoolTogether Filipino Newsletter.